abel.soto
AFTERLIGHT
Sa simula pa lang ng essay na sa librong ito na "AFTERLIGHT", na may pamagat na "The Beauty of Becoming", napatunayan ko na tama ang 'hagip' ko sa author ng aklat: maaaring hindi siya 'genius' sa siyentipikong kahulugan nito, pero isa ang sigurado: hindi siya ordinaryo.
Kaya huminto ako sa bawat talata—nagwawari, pinakikilos ang isip, kilos-loob, imahinasyon, at damdamin. Nagsikap akong 'hukayin' ang mga natatagong realidad na hindi kayang isatitik.
Kaya isa sa mga samo ko ay malasap ng may-akda mismo ang tamis ng bunga ng kanyang pagpupunyagi bilang tagahanap (searcher): na may MGA buhay na nagbago dahil sa kanyang aklat, mga ugali at paraan ng pag-iisip, pagdamdam na nabigyan ng panibagong direksyon dahil sa AFTERLIGHT na ipinakikita ng aklat sa mambabasa.…