Ireland Forsythe
Sa Dulo ng Bahaghari
Masakit para kay Lance na matuklasang kaya siya gusto ni Gem ay dahil sa pangangailangan nito. Ang malala pa, nalaman din niyang may asawa at anak na. Parang sinungkit ng nahihilong manananggal ang kirot nu’n sa puso niya. Ang kaso, nagpakatanga pa rin at piniling maniwala ulit nang nagsusumanong sabihin ni Gem na mahal siyang talaga. Pero ayaw magbigay ang bruhitang jowa nito. Inaway siya nang harap-harapan. Minsang birthday ni Gem, talsik ang beauty niya kahit siya pa ang gumastos sa lahat. Para lang wala nang away. Nag-iisip na siyang kalasan ito para huwag naman sila kapwa nagmumukhang pugante pero syempre, naging totoo silang pugante nang mukha na silang nagtanan paalis sa bayan ng Solana. Maritoni and relatives were hot on their heels. Akala nila nakatakas na sila, pero hindi…